COVID-19 Precautions when accessing malls

Last Updated on December 09, 2020 09:10 PM

Sa darating na kapaskuhan, pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat at lumabas lamang kung kinakailangan upang iwasan ang pagkalat ng virus.

Tandaan ang mga sumusunod kung pupunta sa mall o katulad na establisyimento:

-Isuot nang tama ang face mask at face shield.

-Panatilihin ang one meter physical distancing.

-Iwasan tumambay o manatili nang matagal sa mall upang malimitahan ang exposure sa mataong lugar.

Ang mga batang may edad 17 pababa ay pinaalalahanan din na hindi sila maaaring pumunta sa mga mall o kumain sa mga restaurant upang matiyak ang kanilang kaligtasan. 

Kung sakaling may makitang paglabag sa mga nasabing protocols, maaari itong i-send sa Safe City Task Force sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Hotline: 09178331327

Facebook Messenger: Safe City Taguig

E-mail: [email protected]