Ireport sa Safe City Task Force ang mga Violation

Last Updated on November 15, 2020 12:19 PM

Sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga active cases ng COVID-19 sa ating lungsod, maiging patuloy tayong sumunod sa mga health protocol at guidelines na ipinapatupad ng ating lokal na pamahalaan.

Pinapayuhan ang bawat Taguigeño na maging alerto, mapagmasid sa paligid at makipagtulungan. Sakaling may nakitang paglabag sa mga implementasyon ng mga protocol at guidelines, maaari itong ireport sa safe city regulation upang mabigyan ng agarang aksyon.

I-send sa Safe City Task Force ang mga nakitang violation sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Hotline: 09178331327
Facebook Messenger: Safe City Taguig
E-mail: [email protected]

#SafeCity
#ilovetaguig