Outdoor Activities allowed for Senior Citizens and persons below 21 years old

Last Updated on June 07, 2020 08:57 AM

Taguigeños, ang ating mga senior citizens ay pinapayagan lamang lumabas ng kanilang mga tahanan kung sila ay papasok sa trabaho, emergencies at mamimili ng essential goods and services ngayong GCQ.

Upang mapanatili naman ang kalusugan, maaari nang lumabas ang mga senior citizens at ang mga kabataang 21 taong gulang pababa upang mag-ehersisyo o maglaro ng non-contact sports sa mga itinakdang Safe Zones sa kanilang mga lugar.

Siguraduhin lamang na nasusunod ang mga minumum health standards na ipinatutupad ng lungsod tulad ng pagsusuot ng face mask, at ang pagpapanatili ng physical distancing.

#SafeCity
#ilovetaguig