Safe Dining Guidelines in Taguig City

Last Updated on December 22, 2020 03:27 PM

Nagpapatuloy ang lokal na pamahalaan ng Taguig sa mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran at alituntunin sa iba’t ibang establisyimento upang malabanan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

Kabilang sa mga establisyimentong tinututukan ng mga kawani ng Taguig ay ang mga kainan sa lungsod kung saan karaniwang nagtitipon-tipon ang mga indibidwal mula sa iba’t ibang lugar. Ang mga kainang ito ay maaaring maging lugar ng pagkahawa ng mga mamamayan lalo na kung hindi maayos na naipapatupad ang mga patakarang pangkaligtasan at pangkalusugan dito.

Para sa kaligtasan ng lahat, ipinapatupad ng lokal na pamahalaan ang mga sumusunod na patakaran sa mga kainan at iba pang katulad na establisyimento sa Taguig.

Kung sakaling may makitang paglabag sa mga nasabing protocols, maaari itong i-send sa Safe City Task Force sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Hotline: 09178331327
Facebook Messenger: Safe City Taguig
E-mail: [email protected]m

#SafeCity
#ilovetaguig