Stay at Home

Last Updated on May 19, 2020 09:21 PM

Para sa kaligtasan ng lahat, pinapaalalahanan namin ang mga Taguigeño na ngayong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ay dapat pa rin tayong manatili sa ating mga tahanan.

Maaari lamang pong umalis ng bahay para mamili ng mga kinakailangan, o pumasok sa trabaho na pinapayagang magbukas ngayong MECQ. Ito ay ang mga essential workers o authorized persons outside residence (APOR).

Sa kabila ng mas maluwag na pagpapatupad sa mga alituntunin ng MECQ, ang lokal na pamahalaan ay pinapaalalahanan ang publiko na manatali sa kanilang mga tahanan kung hindi naman kabilang sa APOR.

Ang mga walang mahalagang bibilhin o aasikasuhin sa labas ay hindi kabilang sa listahan ng mga APOR

Para sa listahan ng mga authorized persons outside residence, i-click ang link na ito:

https://www.facebook.com/143947355665943/posts/3529292497131395/?d=n&_rdc=1&_rdr

Kung may mga katanungan, maari niyo pa kaming tawagan sa aming hotline (0917 833 1327) o magpadala ng e-mail sa [email protected]

#SafeCity
#ilovetaguig